by: Joey Diego (MovieStar Magazine 01/13/99)

Tungkol sa binubuong loveteam nila ni Judy Ann Santos, affected nga raw itong si Wowie de Guzman sa Esperanza dahil any moment ay papalitan siya ni Marvin bilang ka-love interest ni Juday.

"Actually, hindi naman ako pabor doon. Una, magkapatid ang role namin sa Esperanza kaya hindi na siguro mababago pa yun. Kung gagawing love interest ko si Juday, hindi naman yata tama, pero kung ganu'n ang gustong mangyari sa amin sa takbo ng istorya, sino ba naman ako para magreklamo, hindi naman ako ang gumagawa ng istorya ng Esperanza. Hindi naman dapat magpaapekto si Wowie dahil wala pa namang confirmation mula sa scriptwriter namin, sabi-sabi lang 'yun kaya hindi dapat seryosohin ni Wowie."

Okay ba naman sa kanya 'yung ideyang itambal siya kay Juday?

"Okay sa akin na magkasama kami sa pelikula, pero parang hindi okay sa akin na gawin kaming magka-loveteam dahil identified siya kina Rico Yan at Wowie at ako naman kay Jolina. For sure, hindi papayag 'yung mga tagahanga namin. Wini-welcome ko naman 'yung idea na posible sa career ko pero itong kasong ito, mukhang mahirap dahil kahit paano'y na-establish na rin namin 'yung mga loveteam namin kahit pa sabihing nagkaroon kami ng gap ni Jolina pero siya pa rin ang gusto ng mga tao para sa akin."


JANUARY 1999