Tinanong namin si Marvin kung bakit inintriga siya sa pagkakaroon niya ng miniseries, ang Sa Sandaling Kailangan Mo Ako na napapanood every Monday, 9:30 p.m. sa Channel 2.
"Ewan ko nga ba kung bakit ako inintriga roon samantalang hindi ko naman alam iyon. Nagkataon lang na nang i-conceptualized nila ang miniseries na iyon, ako ang available. Wala noon si Diether OCampo dahil nasa Japan, si Rico Yan naman ay nagbabakasyon sa States. Kaso, gusto na nilang simulan ito kaya sa akin ibinigay. Dapat nga noon, ako ang ipi-feature muli sa Star Drama Presents pero dahil sa akin nga ibinigay ang miniseries ay hindi natuloy 'yung SDP ko at si Jericho Rosales ang ipinalit sa akin."
Inamin ni Marvin na medyo mahirap pala ang may miniseries, dahil tatlong araw ang taping nito, Sundays, Wednesdays and Thursdays. Kapag natapos siya ng taping ng Monday morning, tumutuloy naman siya sa taping ng Esperanza kaya halos wala rin siyang pahinga dahl two days ang taping naman nila ng nasabing programa.