Masaya ang Pasko at Bagong Taon ni Marvin Agustin dahl naayos na ang gulo sa loveteam nila ni Jolina Magdangal na muntik nang mabuwag nang dahil sa intriga. Wala nang tension at back to normal na ang kanilang loveteam.
Nagpalitan sila ng regalo sa isa't-isa last Christmas na ipina-off-the-record nga lang sa amin ni Marvin kung ano ang bigay nila ni Jolina sa isa't isa.
Last New Year's eve, tinawagan niya si Jolina, ayon pa kay Marvin na kausap namin recently sa isang QC eatery.
Another reason kung bakit masaya ang Pasko at Bagong Taon ni Marvin ay dahil nagkasama silang muli ng kanyang father na nakakulong sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa. Kasama ang kanyang ina't kapatid, dinalaw nila ito noong Christmas Day. Very proud si Marvin sa kanyang father dahil ito ang cook sa itinayong carinderia ng mga kapwa nito bilanggo.