by: Ricky Calderon (Fame Movie Magazine 01/22/99)

Ang sarap-sarap daw ng feeling ni Marvin Agustin ngayong naayos na ang problema nilang dalawa ni Jolina Magdangal. Although hindi pa siya nakakatuntong sa bahay nina Jolina since nagkaayos sila, okay na kay Marvin na madalas na silang nagkakausap ng kanyang ka-loveteam.

Masaya ngang ibinalita ni Marvn na magiging semi-regular na siya sa Richard Loves Lucy kung saan tampok si Jolina as the younger sister of Richard Gomez.

Bukod dito ay nakatakda rin silang gumawa ng pelikula under Star Cinema kung saan nag-renew ng kontrata si Marvin. Kaya naman very thankful si Marvin na okay na sila ni Jolina.

Ayaw naman daw niyang mabuwag ang loveteam nila dahil pareho nila itong pinaghirapang buuin. Sayang naman ang suporta ng mga fans nila ni Jolens.

Pero plano rin ni Marvin na bumalik sa eskwela next year. Kaya balak niyang mag-concentrate sa trabaho nang husto para makaipon for his family tapos medyo babawasan niya ang trabaho next year so he could go back to school.

Gusto niyang nmag-enrol sa Theater Arts sa UP. Hopefully, ito ang magiging stepping stone para matupad ni Marvin ang pangarap niyang maging scriptwriter tapos director.


JANUARY 1999