by: Ador Saluta (Fame Movie Magazine 01/22/99)

Marvin wants to pursue his dream na someday, masusubukan din nitong sumilip sa kamera.

"It;s a dream. Tulad nga ng marami na they opted to direct even if they're still active in the business. Meron din akong pangarap na someday eh, makagawa ng isang obra. Di ba, may fulfillment ka as an artistkapag nakita mo ang credits ng pelikula, like a Marvin Agustin film? Maipagmamalaki mo sa kapwa mo artista. I guess, it's everybody's dream to be a director."

Natutuwa naman daw si Marvin dahil maaga pa'y nagkakaroon na siya ng interes sa mga technical aspect sa directing at paggawa ng mga motion pictures.

"Ang maganda kasi, maaga pa'y nakaplano na. that's why if I get the chance to work with mga batikang direktor like Direk Olive Lamasan, humihingi ako ng paumanhin para makialam. Nagtatanung-tanong tulad sa musicalscoring, sa cinematography at sa effects ng mga kulay. I'm glad naman because most of the directors I worked with ay natutuwa kapag nalalaman nilang may mga tulad kong interesado sa trabaho nila gaano pa ito kahirap at kabusisi. Ikaw naman ang maging captain of the ship," excited pang kuwento ni Marvin sa amin.


JANUARY 1999