by: Ador Saluta (Fame Movie Magazine 01/22/99)

Sinabi sa amin ni Marvin na isa sa magandang salubong sa kanya ng Year of the Rabbit ay ang muli nilang pagbabalikan ni Jolina Magdangal.

"I thought kasi, it's over na," nangingiting pahayag pa sa amin ng aktor.

"Pero, pasalamat din kami sa nangyari. Kahit papaano'y magiging instrumento namin ang nangyari to be stronger and be vigilantsa mga malalaki at mababagsik pang intrigang darating sa aming dalawa.

"Now, we're into each others arms again. Maingat na kami sa lahat. Mahirap na. Baka mapasok ulit kami ng virus," pagbibiro pa ni Marvin sa amin.


JANUARY 1999