B4 Marvin Agustin bids goodbye to 1998, inayos muna niya ang mga gusot sa kanila ni Jolina, sa mga magulang ng aktress at sa iba pa niyang mga kaibigan sa showbiz. Gusto niyang umpisahan nang maayos ang taong 1999. Iniwanan na niya ang negatibong pananaw tungo sa nararapat na pagbabago.
"Bagong chapter ito ng buhay natin, kaya dapat bago lahat. Kaya lang, 'yung changes na mga gagawin natin, dapat laging for the better. Hindi 'yung paurong tayo. I must admit, maraming nanyari sa akin last year. May mga nakasamaan ako ng loob. May mga nagalit din sa akin. Pero bago matapos ang 1998, I'll try to make peace with them. I'm glad, unang-una kong naayos 'yung sa amin ni Jolina. Wala na kaming problema ngayon. Tinawagan ko siya nu'ng Christmas, but prior to that, nagkausap na rin kami nang sarilinan. Yung tungkol naman sa parents ni Jolina, alam ko namang okey na 'yon. Ever since, hind naman nila sinabing galit sila sa akin. Naging complicated lang naman 'yung mga pangyayari dahil iba-ibang bersyon 'yung naglabasan," paliwanag pa ng binata.
At dahil sa naging pagbabati ng dalawa, malamang na matuloy na ang follow-up movie nila after Labs Kita, Okey Ka Lang? na isang blockbuster film nu'ng 1998.
"I hope so. Bago naman namin gawin 'yung Labs Kita... at habang sinusyuting namin 'yon, ang alam ko, meron na talagang follow-up movie for us. Kaya lang, hindi ko alam kung anong nangyari, tapos nagkaroon pa nga kami ng problema. Pero sa tingin ko, tuloy na 'yon this year. Well, I hope so. Nami-miss ko na rin ang labs ko. Hindi na kami masyadong nagkakasama ngayon. Magkahiwalay na 'yung mga TV program namin. Sa MTB na lang kami nagkakasama, pero once a week lang naman 'yon," pahayag pa niya.
May ibang reaksyon ang mga taong sumusuporta kay Jolina sa pagiging blockbuster ng pelikula nitong Puso Ng Pasko under Star Cinema. Kaya na raw magsolo ni Jolina kahit wala si Marvin. Ano ang reaksyon niya tungkol dito?
"Kung 'yon ang opinyon nila, wala tayong magagawa roon. Gusto nila na 'yon ang isipin, eh, so, bigyan natin sila ng karapatang gawin kung anong gusto nilang gawin. Actually, masaya rin ako sa reaksyon nilang 'yon. Kasi ang tao namang involved eh, yung labs ko. Kung ano 'yung success ni Jolina, masaya na rin ako para sa kanya. At saka tulad nga ng palagi kong sinasabi at palagi ring sinasabi ni Jolina, darating yung time na magso-solo kami pareho. "yung loveteam, parang establishing point lang naman 'yan ng career ng bawat artista, eh. Eventually, kapag kaya ko na ring magsolo o kaya na niya na wala ako, ggagawa rinkami ng mga pelikula na hindi magkasama," ani ni Marvin.
Sa nangyari sa kanilang dalawa ni Jolina, may mga aral ding natutunan si marvin.
"Totoo 'yon. Hind naman kasi tayo matututo kung hindi tayo magkakamali. Doon sa nangyari, natutunan ko kung paano pahalagahan 'yung time na pinagsamahan niyo ng isang tao. At saka, mas behaved na ako ngayon. Natutunan ko rin na dapat bago ako magsalita, iniisip ko munang mabuti. Hindi 'yung basta na lang, 'yong tipong kung ano na lang ang maisip ko, eh, 'yon na lang ang sasabihin ko. I've also learned to be patient. Dapat konting pasensiya. Dapat palaging malawak ang isip ng tao lalo na sa business na ganito," sabi pa uli ni Marvin.
Inusisa na rin namin kay Marvin kungitinuloy na niya ang panliligawniya kay jolina. Sabi niya, "Bahala na. Hindi ko alam. Masaya na naman ako sa realsyon namin ngayon, eh. Mas gusto kong maibalik 'yung closeness namin more than anything else. 'Yon muna ang gusto kong mangyari," pagtatapos ni Marvin.