MARVIN AND HIS FAMILY

by: Joey Diego (Moviestar Magazine 01/28/98)

Isang maayos at tahimik na pamumuhay. Masasabing masaya na nga ang pamilya Cuyugan kumpara sa buhay na sinuong nila nu'ng hindi pa artista si Marvin Agustin. Malaki na nga ang pagbabago sa buhay nila ngayon, kung dati ay puno sila ng problema, ngayon ay hindi na dahil maayos at maaliwalas na ang paligid ng kabahayan na puno ng pagmamahalan.

Ang pamilyang Cuyugan ay binubuo nina Mommy Tet(Teresa Cuyugan), Danilo Cuyugan(Daddy), Shierley Joy(Eldest sister), Shierley May(second) at si Marvin Jay(youngest at only son). Meron din silang nag-iisang angel sa pamilya na nagpapasaya sa kanilang lahat, si Toptop, ang nag-iisang pamangkin ni Marvin na anak naman ng Ate niyang si Shierley Joy na kasalukuyang nagtatrabaho sa luxury liner sa Singapore dahil ayon kay Marvin ay single parent ito at siya rin nga ang tumatayong ama ni Toptop. Magkakasamang nakatira sa nabiling townhouse ni Marvin ang buo niyang pamilya, minus his dad na alam naman ng lahat kung nasaan. Pinapa-aral ni Marvin sa college si May dahil ito lang daw ang siguradong makakapagtapos ng pag-aaral sa kanila. Ang gusto niya, kahit isa man lang daw sa man lang daw sa pamilya ay makatapos ng kolehiyo dahil isa 'yon sa ambisyon nilang magkakapaatid. Hindi naman sinasara ni Marvin ang pinto sa kanyang pag-aaral, gusto rin niyang makatapos pero imposible pa 'yun sa ngayon dahil sa kanyang trabaho.

Sa ginawa naming pictorial sa kanila, hindi kasama si Shierley Joy at ang Daddy niya pero hindi naging hadlang 'yun para hindi maging masaya ang buong pamilya, 'yung presence ni Toptop ay nagsisilbing kapunuan sa pagkawala ng ibang miyembro ng pamilya dahil talaga naman nakakaaliw ang nag-iisang anghel sa pamilya nila. Sa kaluwagan na nararanasan nila ngayon, wala na halos mahiling pa si Mommy Teresa sa magandang biyayang dumating sabuhay nila. Umaasam silang lahat na sana ay wala ng katapusan ang biyayang ito, ipinagdarasal na maabot pa sana ni Marvin ang tagumpay na kanyang minimithi para lalong maging masaya ang buo nilang pamilya.


PICTURES


JANUARY 1998