MAJ: FOR REEL OR FOR REAL?

MAJ, hindi na maikubli ang feelins sa isa't isa

by: Gorgy Rula (StarTalk Movie Magazine 01/26/98)



Hayagan na raw ang panliligaw ni Marvin Agustin kay Jolina Magdangal. Kunsabagay, sinimulan na ito ni Marvin sa "Showbiz Lingo". Pero sa tingin namin, mukhang para lamang ito sa kanilang loveteam.

Ayon naman sa aming spy, kitang-kita naman daw sa mga kilos ni Marvin ang tapat na hangarin nito kay Jolina. Saksi siya sa sweetness ng dalawa nu'ng mag-show sila sa San Carlos City. Kitang-kita rin daw kay Jolina na type na nitong sagutin si Marvin.

Sige na! Para consistent sa publicity, di ba?

JANUARY 1998