MARVIN'S GROWING UP YEARS

by: Joey Diego (Moviestar Magazine 01/28/98)

Naging mascot din siya ng Shakey's Alabang at ikinuwento rin niya sa amin 'yung kakaibang experience niya roon. Siya raw 'yung nasa loob ni Captain shakeys at minsan, sa katitingin ng magagandang babaeng pumapasok sa loob ng kanilang restaurant ay nahulog siya sa hagdan at nagpaikut-ikot. Mabuti na lang at hindi raw naalis 'yung helmet niya at hindi nakita ang mukha niya. Tawanan nga raw lahat 'yung nakakita sa kanya.

Nu'ng nagtrabaho siya sa Tia Maria's ay may karanasan din si Marvin namatakbuhan ng chit. Mabuti na lang at marunong siyang dumiskarte kaya madalas nailulusot niya ang ganoong problema.

Dahil galawgaw nga si Marvin, madalas din siyang mapagkatuwaan ng kanyang mga barkada. siya ang ginagawang pang-display ng kanyang mga katropa sa tsiks. Noon pa man ay pogi na talaga siya kaya madalas ma-attract sa kanya ang mga girls kapag lumalapit na ito.

'Yung pagiging maharot din ni Marvin ang naging dahilan para mapansin siya ni Charo Santos na nagbigay sa kanya ng pagkakataong mapasok sa Star Circle Batch 2. Minsan kasi ay nagkaroon ng live performance ang Los Del Rios sa 'Sang Linggo nAPO Sila. Dahil sponsor ang Tia Maria sa okasyong 'yon, andu'n si Marvin bilang isa sa mga background ng Los Del Rios na nagsi-shake ng margarita. Pagkatapos ng show, umupo siya mismo sa harapan ng stage kung saan siya naispatan ni John D. Lazatin at inirekomenda naman kay Enrico Santos. Nu'ng una ay hindi niya pansin 'yon pero nu'ng tumagal ay interesado na siya kaya nag-audition siya sa Midnight Madness na ngayon ay 'yung Super Laff-In. Pagkatapos ng VTR ay suwerte namang napili siya para sa Star Circle Batch 2. si Mr. johnny Manahan mismo ang pumili kay Marvin dahil kinakitaan niya ito ng potential. Ipinakilala ang kanilang Batch noong April 1996 at mula noon ay nagkasunud-sunod na ang kanyang proyekto. Ikinuwento rin niya sa amin na nu'ng una siyang sinabak sa mera, abut-abot ang nerbyos niya dahil wala pa naman daw siyang kaalam-alam noon. Una siyang nag-taping ng Star Drama Presents ni Judy Ann pero mas nauna pang ipinalabas 'yung Calvento Files, na Ozone Tragedy. Doon siya unang nakita, kasama niya sina Diether Ocampo, Lee Robin Salazar, Jeffrey Hidalgo at Chuckie Dreyfuss na pawang naging kaibigan niya. Patuloy ang pagganda ng careerni Marvin. Pati ang loveteamnila ni Jolina, hindi puwedeng basta-bastahin ang kakayahan. Subok at matatag ang kanilang samahan.

Kung may nami-miss mang gawin si Marvin na hindi niya magawa, ito 'yung pagkain ng fishball at maglakad sa bangketa. Iyon daw kasi ang madalas niyang gawin noon. 'Yung pasabit-sabit sa jeep at 'yung madalas na pag-ikut-ikot sa mga malls kasama ang kanyang barkada. Minsan nga, nag-aartista na siya noon, sumasakay pa siya ng jeep mula Alabang papunta kina Enrico Santos sa Teacher's Village. May nakakakilala na sa kanya pero hindi pa siya masyadong pansin noon. Pero ngayon ay hindi na niya magawa 'yon dahil kilalang-kilala na siya ng mga tao. May ikinuwento pa rin sa amin si Marvin tungkol sa kakulitan niya sa babae. Nagdadala siya ng babae sa ibabaw ng puno at sa kanilang compound sila naglalampungan. Hindi na nga idinetalye sa amin ni Marvin kung ano ang ginagawa niya roon dahil sabi nga niya ay hindi na raw siya virgin dahil nakatikim na rin naman daw siya ng "luto" ng Diyos.

Sa panahong nakakulong ang kanyang ama, si Marvin ang umako ng responsibilidad nito at ngayon nga, bagama't kulang ay masaya naman ang pamilya niya. Sa ngayon ay hindi na sila sumasala sa pagkain. Dahil sa pag-aartista ay nakamit ni Marvin ang minimithing mapabuti ang mahal niyang pamilya.


PICTURES


JANUARY 1998