by: Archie de Calma (Super Teen Movie Magazine 02/07/99)

Mabibilang sa daliri 'yaong mga totoong sumikat sa Star Circle, di ba? At isa na si Marvin Agustin dito.

Nilinaw ni Marvz sa isang tsikahan 'yung tungkol sa kagustuhan daw ng kampo nila na kay Juday na siya maitambal. Bago pa lumabas ang tsikang okey na sina MAJ at gagawin na nga nila ang Hey Babe na ididirek ni Joyce Bernal para sa Star Cinema.

Stick pa rin siya kay Jolina. Hindi raw magandang tingnan 'yung lumalabas na magkapatid sina Marvin at Juday sa Esperanza, tapos lalabas silang magkaloveteam afterwards.

Parang wala na agad chemistry roon. Sa isang part ng story, may parang cliffhanger na tipong baka hindi talaga magkapaatid sina Judai at Marvin doon. Pero, ingredient nga 'yun sa isang soap opera. Talagang magkapatid sila sa takbo ng istorya ng soap oeprang gagawin na rin pelikula.

Magiging medyo maluwag ang schedule ni Marvin dahil tapos na ang mini-series na SSKMA. Sa pakikipagtrabaho sa mahuhuway na mga beteranong artista gaya nina Hilda Koronel, Ronaldo Valdez, Dante Rivero at Tessie Tomas, marami raw natutunan ang young actor. Pero I'm sure na may kapalid agad itong show aside from Star Cinema project with Jolina.

Baka nga ipasok sa cast ng RLL si Marvin, pero ayon sa young actor, medyo inaayos pa raw kasi ang budget mukhang bumibigat siyempre ang casting pag nadadagdagan sila ng artista roon.


FEBRUARY 1999