Itinanggi ni Marvin ang tsismis. Nagkakasama lang daw sila ni Amy tuwing gumigimik ang cast ng dating TV show na Onli in da Pilipins. Hindi kasama sa cast si Amy, pero may mga kaibigan daw ito sa staff ng programa kaya ito nakasama sa kanilang Wednesday Club.
Nahihiya rin si Marvin kay Amy dahil baka akalain daw nitong ginagamit niya ito para sa kanyang publisidad. Ang ipinagtataka ni Marvin, marami naman daw silang magkakasama kapag sila'y lumalabas, pero bakit sila lang ni Amy ang napapansin.
Ayaw na uling maintriga ni Marvin lalo't maganda na ang takbo ng relasyon nila ni Jolina at ayaw niyang magkagulo uli nang dahil lang sa aming tsismis.
Incidentally, hindi pa matiyak ni Marvin kung ang soap opera nga nila ni Jolina ang ipapalit sa malapit nang mawalang Esperanza. May narinig daw siyang ganitong plano, pero wala pang katiyakan dahil wala pang sinisiguro sa kanya ang ABS-CBN.