Nagkaroon tuloy kami ng chance na itanong dito kung bakit hindi pa natatapos ang SSKMA gayong alam ng marami na last day na noong Monday. Sabi ni Marvin, sa halip daw na hanggang 11 weeks lang ang mini-series, ginawa na raw itong thirteen weeks sa request na rin ng marami nitong viewers.
Unang-una, ang dami nga namang puwede pang gawin sa story and characters. At sabi pa nito, may balita raw na baka magkaroon ng Book II. Pero 'yung magiging pelikula, wala pa raw siyang nababalitaan. At kung mayroon man, isa raw siya sa higit na matutuwa.
Ibinalita rin ni Marvin na by next month, sisimulan na ang Hey Babe. Tulad ng launching movie nila, may pagka-romantic comedy ang tema nito.
Sabi pa ni Marvin, natutuwa siya na okey na sila ni Joliens. Pero siymepre, sa puntong 'yun, gusto pa rin naming tanungin si Jolina kung talagang okey na okey na nga sila.