by: Ruben Marasigan (Teen Movie Magazine 02/11/99)

A portrait of a totally grown-up young man. That's how we describe Marvin Agustin nowadays, who just turned 20 last January 29. This time, we see a more mature and responsible individual in him. Kung sabagay, at an early stage pa lang ng kanyang teenage days, he already have to act, think and be like one tough adult guy, nang hingin ng pagkakataong maging breadwinner siya at tumayong padre de familia. It was indeed such a great task for him na pangunahan ang kanilang pamilya habang pinagsisikapang tawirin ang isang napakatinding krisis na nasuungan. Those were the days of struggle ng isang simpleng binatilyong si Marvin Jay Cuyugan. Punum-puno ng mga pangarap. Mahigpit ang kapit na naipangako sa sariling iaahon sa hirap ang kanyang pamilya. Na hindi niya kaagad-agad isusuko o ikakawala ng pag-asa. Panahong parang kailan nga lang. At marami ngang mga pagbabagong kay bilis ding nangyari sa ngayo'y kilalang-kilala na bilang si Marvin Agustin, one of today's hottest teen idols.

"Hindi na ako teen na masasabi ngayon dahil I'm already twenty! Pero mukha pa rin naman akong teen, di ba? Pwede pa rin sa medyo pam-bagets na roles!" dugtong pa ng binata bago tuluyang natawa na.

Marahil, dahil kabi-birthday lang kaya ang mood ni Marvin eh... ganoon nalang kasigla. Isa pang rason siguro, lalo pang nagiging maganda ang takbo ng kanyang career ngayon, as bigger and more exciting developments, projects ang opportunities keeps on coming along his way.

"Kaya nga noong birthday ko, the very first thing I did talaga ay magpasalamat kay Lord for all the blessings and good things na napapasakamay ko. Sobrang hectic ng schedule ko lately kaya kahit simpleng birthday party, hindi na ako nakapagplano. But I have some birthday celebrations naman sa ilang shows ng ABS-CBN na...touching at memorable namang maituturing."

At 20, pupuwede nang masabing he is already there na nga sa stature of a successful person. Na kung may kulang pa man, siguro'y konti lang. Dahil hindi rin ganoon kadali for anyone of his age lalo if you have to start from scratch paris nga ng pinagdaanan ni Marvin. Na within the span of just more than two years, nakakabilib ngang makita where he is right now.

May townhouse nang naipundar, from a Nissan Vanette ay can afford nang mag-upgrade ng sasakyan to a fully loaded Toyota RAV 4 na almost a million na rin ang halaga, has his share on a five hectare lot sa Baguio na kabibili rin lang nila ng apat pa niyang makaksosyo kaugnay ng kanilang planong i-develop 'yon into a farm, may perang nakatabi sa bangko na sinisinop niyang kahit pakonti-konti ay madadagdagan sa bawat araw na magdaan.

"The fruit of my hardwork. Ng aking pagiging workaholic at dedication sa aking trabaho. Higit sa lahat ng aking kakuriputan! Hindi pa nauuso ang word na 'cost-cutting', ginagawa ko na 'yong ganoon. Kung saan ako makakatipid at kung paano, isa lagi 'yon sa focus ng mind ko. ayoko 'yong ubos-ubos biyaya at pagkatapos, kinabukasan ay tulala. Eh ang pag-aartista, hindi stable na propesyon. Malakas ka mang kumita halimbawa ngayon but you're not sure na ganoon pa rin bukas o sa mga darating pang panahon. And...aware lang ako at nagsisiguro. Dahil kung hindi, baka nga from a life na medyo sagana, you'll end up na tipong kakalam-kalam ang sikmura."

Biro nga namin - na-brain wash siguro nang bahagya sa kung minsa'y naikakantiyaw sa kanya lalo ng ilang friends niya from the press na - matuto naman siyang mag-share ng natatanggap niya ngayong blessings!

"Dati naman kasi, kapos pa't walang mai-si-share, eh," nangiting reaksiyon ng young actor. "Ako naman kung meron, ba't naman ang hindi, di ba? Magkaiba naman siguro 'yong kuripot sa maramot! Kung nakakramdam na kao ng fulfillment sa ngayon? Konti. Kahit papaano. But...may iba pa akong dreams na gusto pang ma-achieve. Like... bukod sa goal kong maging isang mahusay na dramatic actor balang araw, 'yong makapag-aral ulit and probably avail myself of a filmmaking course, 'yong magkaroon ng kung anumang maitatayong business, gusto ko ring maging scriptwriter and eventually become a director din in due time, uhm... mga kung anu-anong plans that I wish na ma-work-out ko rin sana. Masarap magplano ng mga bagay-bagay. Masarap 'yong may direksiyon ang buhay mo dahil planadong mabuti. 'Yong alam mo kung anu-ano ang gusto mo at kung saan ka pupunta. Although may ibang mga bagay na gusto mo pero hindi nangyayari. O matagal mo nang pinagsisikapan pero wala pa rin dahil hindi pa tamang oras namakuha mo. And... bata pa naman ako. There's still time for me kaya... cool lang dapat lagi."

'Yong miniseries na SSKMA kung saan siya ang pangunahing tampok is about to end with its extension of 3 more episodes. Susundan ito ng seryeng pinagbibidahan ni Albert Martinez. Pero gagawan ng book 2 which will run for 26 weeks dahil nga sa lakas ng naging feedback nito sa televiewers at naitalang magandang standing sa ratings chart. A budding young drama actor ngayon kung ituring at kita naman ang pruwebang nagkakaroon na ng depth ang kanyang acting hindi lang sa napapnood ngang performance sa SSKMA kundi kahit sa Esperanza, hindi malayong mangyaring matatakan si Marvin as the Drama Prince of Phil. Television na sa kasalukuyan ay unti-unting napapabansag na rin sa kanya.

"Flattering 'yon pero... teke muna, mukhang di pa naman sapat kung anuman 'yong napu-prove kong konting worth pa lang ngayon as an actor, and siyempre hindi ko naman maitatanong 'yon sa sarili ko. So, iwan na lang natin sa kung ano ang opinyon ng publiko," pagtatapos ni Marvin.


FEBRUARY 1999