by: Rowena Agilada (Teen Movie Magazine 02/11/99)
Sa isyung nabosesan ni Marvin si Ranvel Rufino (anak ni June Rufino) na nali-link ngayon kay Jolina noong nag-text message ito sa kanya na tigilan na niya ang pakikipag-loveteam kay Jolina, itinanggi ito ni Marvin. Di raw nag-text sa kanya si Ranvel at lalong hindi siya galit dito.
"Magkaibigan kami ni Ranvel at malaki ang utang na loob ko sa mommy niya dahil isinasama ako noon sa mga roadshows. Sana, tigilan na ng ibang tao ang pang-iintriga sa akin dahil wala akong alam sa mga sinasabi nila."
FEBRUARY 1999