"This time, I've learned na huwag na lang magpaapekto. Sabi nga, walang artistang hindi nagkaroon ng detractors. And 'yong mga tira sa akin ngayon, slight na lang kung ikukumpara sa pinagdaanan ko last year. Ambon na lang ngayon. Hindi na typhoon! I'm trying to open my door na kung may chance nga, maging kaibigan ko sana lahat, ba't nga ba hindi? I just don't know kung bakit katiting man lang ay possible 'yong ganoong wish ko. Hindi kasi ako nagtatanim ng sama ng loob. Na tipong medyo nasaktan ako ngayon, mamaya lang o bukas, wala na. And there are some write-ups naman na negative man ang dating, I'm taking it constructively. Ang ginagawa kong isa sa mga basehan, mga panahong ina-access ko ang sarili ko. Minsan, kapag feeling ko'y na-misinterpret lang ako, hindi masama on my part if I try to find a way or means to get in touch or talk with someone na mali ang nagiging impresyon sa akin. Baka puwedeng mai-air ko ko 'yong panig ko at maging fair ang sitwasyon. 'Yon din kasi ang nai-advice sa akin ng friends ko from the press. It's the best way for me to express 'yong wish ko na baka we can meet halfway. Baka mas okey kung ako ang mas mag-exert ng effort na i-reach sila, tipong ganoon. Of course, tiyak na may iba talaga na, hindi ka kasi nila gusto. Pero ganoon pa man, 'yong maiparamdam ko na lang 'yong walang masamang tinapay sa akin. 'Yong iba rin kasi, right after na nakakausap-usap ko, sa maikling panahon lang, nagiging friends ko na sila. Dati, hindi ko alam kung paano 'yong way... naiilang ako. Until biglang nandiyan na, dumarami ang friends ko from the press. Na natatawagtawagan ko at times na nalilibre ako from work. Na, we'll have time kahit once in a blue moon lang to get out and have lunch or dinner kaya together. And okey. Masaya. I've never realized na masarap palang mapamahal sa press. Nakaka-touch kapag may napi-feel kang totoong friendship na nagba-bind sa inyo. To the point na ipinagtatanggol ka pa. At 'yon ay dahil nga sa kahit konti pa lang niyong magandang pinagsasamahan."
But then, kasabihan ngang walal namang artistang hindi nagkaroon ng detractors. And for Marvin, naikundisyon na rin nga niya ang sarili na good or bad na nasusulat is still publicity. Mas nakakaalarma kung wala nang nag-aaksaya ng panahong tirahin siya o punahin.
"Right now, mas mabuti sigurong higit na pagtuunan ko ng pansin 'yon blessings na patuloy na dumarating sa buhay ko. And laging maalalang lingunin at patuloy na laging pasalamatan 'yong mga nandiyan lang lagi giving their love and support sa akin."
At this point, bigger and more exciting developments are about to happen sa kanyang career. 'Yong mini-series na SSKMA kung saan pangunahing tampok ang young actor, dapat sana'y mag-i-end na on its tenth episode. But both Star Cinema and ABS are receiving a lot of calls or requiests na huwag daw sanang madaliing tapusin ang nasabing seryeng pinamamahalaan ni Direk Olive Lamasan, na bukod sa lakas ng naging impact sa milyong televiewers na nakaugaliang tutukan na ito every Monday night, ay magaganda rin ang nakukuhang reviews since its very first episode.
"And we're happy na na-extend pa 'yong mini-series namin into three more weeks. Kasunod nito, 'yong mini-series naman nina Albert Martinez. Pero we've heard na may plano ang Star Cinema at ABS na gawan ito ng book two na tatakbo naman for 26 episodes. Sana nga, matuloy 'yong ganoong plan. For the meantime, magsu-shoot naman kami ni Jolina for our remaining scenes sa Gimik, the Movie. Pagpasok ng February, we'll start naman for Hey Babe na follow-up ng Labs, Kita, Okey Ka Lang. Sa mga nasabik at na-miss nang husto na mapanood kaming magkasama, sulit ang paghihintay nila for a couple of months dahil this time, sunud-sunod ang chances for them to see us working together again."
Back into each other's arms. A much sweeter at higit na kakikiligang screen tandem na sa simula pa lamang ay minahal at kinagiliwan na ng marami. Kumbaga, may mangyari mang problema, dahil 'yon sa sobrang intriga ngang nasuungan nila. Na mas nagpatatag hindi lang sa kanilang loveteam kundi pati sa kanilang espesyal na pagkakaibigan.
"Na-miss ko rin talaga 'yong kami ni Jolina ang magkasama sa trabaho. At para sa akin, bitin 'yong regular appearance at pagkikita namin sa MTB every Monday. So now, we have started taping din ulit sa Gimik TV series. Tapos, may special episode kami na pam-pre-Valentine presentation ng Star Drama."
Nitong January 29 ay 20th birthday ni Marvin. Hindi na siya nakapaghanda for a party dahil sobrang hectic pa rin ng schedule niya lately. But the, memorable rin namang maituturing 'yong birthday celebrations niya sa ilang shows ng ABS.
"Nakapagsimba ako sa mismong araw ng aking birthday to thank the Lord for being so kind to me nitong mga nakaraang panahon. Na until now, he keeps on showering me ng mga karagdagang suwerte pa't magagandang pangyayari hindi lang sa career ko kundi maging sa personal life ko rin. My birthday wish? Ano pa ba? Kalabisan siguro if I'll still ask for more. Kung may ibibigay pa siyang karagdagang biyaya sa mga darating pang panahon, o kung saang destiny niya ako dadalhin, ang lahat ay paulit-ulit at hindi ko makakaligtaang ipagpasalamat sa kanya. Uhm, ano pa ba? Isang simpleng wish na mipapahabol ko, sana'y wala nang mga intriga about me. Pagkatapos kasi ng isa, mero na namang bago," natatawang pabirong sambit pa ng binata.
Ang Marvin Agustin na noo'y madalas natutuksong kuripot at pabirong tinatawagtawag pa ngang Cost Cutting King, ngayon ay medyo bukas na ang kaisipan at ang palad sa mga extra gastos like simple tokens na nakayanan niya for those people na close sa puso niya at yung iba pang patuloy na nakasuporta lang sa kanya. O kaya, 'yung mga paminsang-minsang nailalapit na umaamot ng kahit konting tulong na maipapantawid-krisis, o kung anupamang pabor for a good or charitable cause. Hindi ako kuripot. Nung mga nakaraang panahon kasi, talagang todo-tipid ako. Kasi yong immediate desire kong makapagpundar kaagad ng maayos na bahay na matitirhan ng pamilya ko. 'Yong magibyan ko kaagad sila ng medyo komportable nang buhay. Yong mabigyan ko kaagad sila ng medyo komportable nang buhay. 'Yong makabili ako ng sasakyan and be able to avail myself ng kahit konting investment man lang paris noong hinuhulugan ko ngayong lupa sa Baguio. Alam siguro ng maraming galing ako sa hirap. So kahit kahuli-hulihang sentimo of my income ay pinahahalagahan ko. Na dapat maging masinop ako sa paghawak ng kinikita ko. Kasi'y kung magiging bulagsak ako sa pera, walang mangyayari kahit araw-araw man akong magpakasipag at magtiis na nakasubsob sa trabaho. This early pa lang, I want to start preparing na for a stable future hindi lang para sa sarili ko kundi for my family also. At least ngayon, medyo nakakaluwag na nang konti. Konting-konti pa lang dahil marami pa akong mga gustong pag-ipunan. Dati, kadalasa'y tama lang sa pangangailangan namin. Na kung may sumobra man, konting-konti lang. Kumbaga sa hawak kong lalagyan na maliit pa lang din, ipinangsasahod ko nga kada may mapabuhos na blessings. Na kapag mapupuno na, paaawasin para sa susunod na buhos, may paglalagyan pa at may maipapaawas ulit para sa iba. Teka, ang lalim na yata no'n, ah! Basta, iniisip-isip ko rin 'yong sinasabi-sabi ngang pagsi-share ng blessings. Na kung bukas-palad ka raw sa kapwa mo, whatever na naibabahagi mo will be ten folds naman daw kapag bumalik sa 'yo. Kung hindi man financial or material, good karma for you. Kondi pa lang ang meron tayo ngayon kaya konti pa rin 'yong maa-afford na i-share. Sana nga, maging milyonaryo ako someday. Ang sarap din naman nga noong marami kang ibang natutulungan at napapasaya."
Hindi lang pala sa pagpu-portray ng roles na mature ang panibagong stage na pinagdadaanan ngayon ni Marvin kundi 'yung maturity rin ng kanyang pananaw sa lahat ng bagay.
"I just turned 20 last January 29," nangingiti niyang dugtong.
So now, he feels and sees himself as a grown-up young man na nga, huh!
"Maaga ngang dumating ang maturity sa akin. Mula noong I started working at an early age nga at naging bread-winner sa pamilya namin. From which I've learned a lot naman. Kaya nga wala akong regrets sa katakut-takot na hard times na pinilit kong tawirin sa pagtayo ko bilang padre de familia na sa amin. Daddy Jay na nga ang nakasanayang itawag sa akin sa bahat namin! Hindi lang ng pamangkin kong si Top-Top. Pati 'yong dalawang elder sisters ko. Pati 'yong ibang relatives namin na older sa akin. Tuloy parang ang tanda na ng feeling ko sa sarili ko! Ha-ha-ha! Feeling lang, ha! Pero sa hitsura, baby face pa rin! Ang kapal ko raw, o!" tuluyang napahalakhak na pagbibiro ng young actor sa huling bahagi ng isang medyo naiba dahil may konting lalim at seryosong dating ng naging latest conversation namin 'yun with him.