Nakakflatter talaga 'yung mga magagandang puna o review sa series naming ito. 'Yung iba, sinasabi sa akin na parang they can see Boyet de Leon daw in me noong nagsisimula pa lang daw siya sa pag-aartista! Nakakatuwa pero, mas more sa akin 'yong feelina na parang nakakaalangan. Ewan ko, pero ang tingin ko kasi sa isang Christopher de Leon, bukod sa tatak niya bilang mahusay at award winning actor, eh...institustyon na 'yan ng Philippine Cinema. Kumbaga he's the Drama King, eh."
At this point, there's a lot more exciting developments sa takbo ng career niMarvin. Magi-end ang SSKMA on its 13th episode to give way sa pagsisimula ng isang bagong series. Pero may plano ang Star Cinema at Dos na gawan ito ng Book 2 na tatakbo naman ng 26 weeks at magiging third mini-series nang aabangan tuwing araw ng Lunes pa rin.
From typical young actor na nagpapa-cute onscreen, Marvin is now having his early stage of metamorphosis bilang isang dekalibreng aktor in the future days. Ang tingin na nga sa kanya ng iba ngayon is a real or genuine talent. A budding young dramatic actor.
"Nakakatouched. Puwedeng paghugutan ko ng karagdagang inspirasyon. But the, it's not enough para maging confident ako bilang isang artista. There's still a lot of things that I have to learn at ma-improve. At ang feeling ko, siguro'y nakatayo lang ako ngayon sa isang magandang pagsisimula. Pero hindi ko pa rin masasabi na I have proven my worth na as an actor. Malayo pa. Marami pa akong bigas na kakainin. Na... siguro'y dapat maisaing ko na well-cooked, hindi bantilaw at hindi rin malambot. At saka ko pa lang maisusubo para kainin."
Marvin is now slowly being tagged as the Drama Prince of Philippine Television. May masasabi ba siyang reaksiyon about this?
"Well...that is realy something that anyone can be proud of. Pero...karapat-dapat na nga ba akong matawag ng ganoon? Ah...ibabalik ko na lang sa publiko ang tanong. Sila na lang ang bahalang humusga. Masayang-masaya ako sa takbo ng career ko ngayon. The Lord has been so kind to me. He still keeps on showering more blessings. At 'yung ganitong suwerte na patuloy na dumarating sa buhay ko at itong mas malalaki at magagandang breaks for me, the best birthday gift kong maituturing," ana'ng young acator who turns 20 nitong January 29.