Dinalaw namin si Marvin sa unang araw niya sa nasabing programa at tuwang-tuwa ang binata na mapabilang sa show na ito dahil pagkatapos niyang gawin ang SSKMA ay na-miss daw niya nang husto ang mag-host na dati niyang ginagawa sa ASAP at SLNS noong mga panahong hindi pa siya gumagawa ng mini-series.
"Na-miss ko ito dahil matagal na rin naman akong hindi nag-host ng live show. May portion lang naman kami sa ASAP ni Jolina, pero hindi kami yung host. Dito sa SL ko maipapakita 'yung talent ko sa pagho-host," sabi pa ng simpatikong teen aktor.
Anyway, siguradong bobongga ang takbo ng career ni Marvin ngayong taon dahil bukod sa bago niyang show na SL, nakatakda siyang parangalan ng Malacanang ngayong Marso bilang Best Young Actor at siguradong aangat na naman ang kanyang estado bilang nangungunang teen heartthrob ng bansa.