by: Ruben Marasigan (Moviestar Magazine 02/24/99)

Tuluy-tuloy na't di na nga maawat pa ang ganap na pag-usbong ni Marvin Agustin bilang isang de-kalibreng artistang napipintong mamayagpag nang husto pagdating ng mga susunod pang panahon. He may not be the finest of the best among today's breed of popular teen idols, well...at least, he's now being considered a genuine talent in his own right.

Tapos na nga ang miniseries na sa SSKMA. Napagtagumpayan ng young actor na maging consistent sa impressive performance na naipamalas niya.

Nakatakdang gawan ito ng book 2 na tatakbo naman ng 26 weeks. This will lead him to a more promising status as a young actor as many starts to see him also as the fast-rising Drama Prince of Philippine Television.

Si Marvin din ang napiling bigyan ng recognition bilang Best Young Actor for this year's Parangal Ng Bayan. Sa March 4 ang awarding nito sa Malacanang na pangungunahan ni President Joseph Estrada.

O, di ba? When it rains, it really pours! And Marvin simply just couldn't ask for more sa ngayong patuloy pa rin ang pagbuhos ng blessings sa kanya.

Hindi lang sa kanyang TV career kundi maging sa movies na rin since nag-start na siyang mag-shooting for Gimik the Movie na susundan ng pagsisimula na rin ng filming ng Hey, Babe, ang follow-up movie ng Labs Kita, Okey Ka Lang?

Higit sa lahat, okay din daw ang kasalukuyang takbo ng kanyang personal life. Masaya umano siya't walang anumang nagiging problema sa ngayon.


FEBRUARY 1999