by: Ruben Marasigan (Moviestar Magazine 03/03/99)

Ang akala ni Marvin Agustin, sa pagtatapos ng part one (dahil magkakaroon na ng book 2) ng kanilang miniseries na SSKAM, luluwag-luwag na sa pagiging sobrang hectic ang working schedule niya. Pero nagkamali ang young actor dahil agad-agad ay napasukan 'yong inaasahan iyang kahit two to three days for even just a week man lang (na dating nakakain ng kanyang taping sa nasabing serye) na posibleng mababakante.

Gustung-gusto rin kasi ng binatang makapag-break after such a long period of day to day hardwork nga. Dahil talagang for the past few months na nagdan, animo'y napa-kadena siya't di na makaalagwa pa sa ngaragan at puyatang trabaho.

Kaya kumbaga sa baterya, malapit na siyang madiskarga. Kaya kinakailangang makapag-recharge kahit sandali lang para ang energy niya ay hindi tuluyang maubos. Dere-deretso pa rin ang trabaho na kadalasan, konting idlip lang ang ipinanglulunas sa patampata at pagal na niyang katawan. Resistensiya niya'y pumugak-pugak na nga kailan habang nasa kalagitnaan ng shooting ng Hey, Babe na nasabay nang lagariin niya with Gimik the Movie under Star Cinema rin.

Halos magku-collapse na si Marvin sa sobrang sama na ng kanyang pakiramdam kaya hindi na nagdalawang-isip pa 'yong mga kasa-kasama niya that time, madaliang isinugod siya sa St. Luke's Medical Center.

"Inobserbahan naman ako that couple of hours na na-admit ako sa ospital. Inubos lang 'yung isang dextrose. Tapos... okay na. Sabi''y hindi na ako kailangang ma-confine pa. At pag-uwi ko naman, feeling ko'y sapat naman 'yung ipinagpahinga ko at puwede nang magtrabaho the next day. Pinag-iingatan ko rin naman ang health ko. Hindi puwedeng mawala sa isip ko 'yung kasabihang -- health is wealth!" pabiro niyang dugtong


FEBRUARY/MARCH 1999