by: Ruben Marasigan (Moviestar Magazine 03/03/99)

Lagare ang shooting niya talagang nakakangarag nang husto for Gimik, the Reunion and Hey Babe.

Kailan lang nagsimula ang pagarangkada nang husto ng kanilang tambalan. They still ought to be one bankable loveteam that will soon reach the peak of success and popularity also. At the rate things are going, they're getting close to being the country's number one loveteam to beat. Papainit pa lang nang husto ngayon ang kanilang laban. Kaya't tuluy-tuloy pa rin lang dapat at walang atrasan.

"Kami ni Jolina, hangga't maari ay ayaw naming ipakipag-compete 'yong loveteam namin. Ang pinakamahalaga naman for us and also our primary concern is --- basta't patuloy na mabigyang kaaliwan ang lahat lalo na 'yong mga hindi nagsasawa sa pagtangkilik sa kanila.

"Hindi na pumasaok sa awareness namin kung malapit na kaming mag-number one as loeteam, kung kami na nga ba or something to that effect. Mas lalo pang nagiging stiff ang competition sa ngayon? Okay lang 'yon. Basta kami, we're both happy na muli'y nakakasama na namang madalas sa trabaho. Na-miss namin ang isa't isa na ganito --- working together."


FEBRUARY/MARCH 1999