by: Mildred Bacud (Super Teen Movie Magazine 03/14/99)

****edited****

Mga karanasan ng mga fave stars na hindi nila malilimutan noong high school.

MARVIN AGUSTIN: "Third year high school ako nu'ng nahuli kaming magkaklase na nagsusugal. Naglalaro kami ng baraha at that time tapos eksakto namang dumaan 'yung teacher namin. Ang ginawa niya, pinaluhod niya kami sa may harap ng hagdanan. Nakakahiya talaga kasi maraming tao that time na dumadaan, recess time kasi noon. Thirty minutes talaga kaming nandoon."

"Isa pang hindi ko malilimutan, eh, that year din. May research assignment ako that time na kailangang maipasa ko kina bukasan. Ang ginawa ko since wala akong libro, pumunta ako sa library para mag-research. Ang kaso, nakarating ako roon ng 4 pm. Gahol na gahol na 'yung oras ko at hindi na talaga ako aabot. Ang ginawa ko, habang walang nakatingin, pinunit ko 'yung isang page nu'ng book. Kinabukasan, pinatawag ako ng guidance kasi na-trace nilang ako 'yung nagpunit since ako na lang 'yung naiwan sa library. Sa takot ko, inamin ko na at humingi ako ng tawad. Sabi ko, hindi ko na lang uulitin."


FEBRUARY/MARCH 1999