"Hindi naman. Besides, may gap din 'yung mga appearances ko kaya okay lang. Saka, hindi naman siguro ibibigay ito sa akin kung sa tingin namin, eh, disadvantage pala yun," panimulang tsika pa nito sa amin.
Masaya rin siya dahil sa wakas, eh, nagsisimula nang gumiling ang camera para sa muli nilang pagtatambal ng labs niyang si Jolina. Ano kaya ang feeling ngayong after everything that has been said and done, eh, magkasama uli sila?
"Alam mo, matagal ko ring hinintay ang pagkakataong ito, eh. Sino ba naman ako para 'di matuwa, di ba?" maikling tugon pa niya na siyempre pa'y kita ang excitement sa kanyang mga eyes.
Light comedy-romance daw itong Hey Babe at siguradong kasasabikan ng fans. Pero gaano kaya siya kasiguradong nanumbalik na ang pagkasabik nito sa kanila gayung knows naman ng lahat na minsan ay nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan nitong si Jolens?
"Well, naintindihan naman ng fans namin 'yung nangyari dahil tao lang naman kami para 'di ma-experience iyon. Naniniwala akong everything's fine now and kaya nga namin ginagawa ito, eh, para rin sa kanila. Wala na silang dapat ikabahala," say pa niya as in, ipinapalagay na niya ang loob ng kanilang fans.
'Yun nga lang, kahit paano, eh, hindi naman kaagad-agad na naibabalik 'yung dati. Balita nga namin, eh, medyo nagkakailangan pa raw silang dalawa sa set. How true?
"Ahh, oo. Pero pasasaan ba't babalik din sa dati ang lahat. I mean, kahit sino naman who went through a tampuhan or waht, eh, ganito rin ang mararamdaman. pero wala na sa amin 'yung nangyari."
Naniniwala ba siyang love is sweeter the second time around?
"Oo naman, siyempre!" nangingislap pang sabi ng kanyang mga mata.
"Kumbaga, we both learned from what happened and nag-grow kaming pareho. 'Yun ang importante," makahulugang sabi pa niya.
Bongga nga ang career ng binata ngayon at talagang sinusubukan ang husay niya sa pagganap dahil ilang projects na ibinibigay sa kanya. Kahit paano wala na kaming masabi sa kanyang nagawa sa SSKMA na balita naming may book 2 pa raw ito. Sa tingin kaya niya, eh, mas naging advantage sa kanya yung hindi nila pagsasama ni Jolens for a while dahil napansin siya as a solo actor?
"Ah, in a way naging daan din 'yun hindi lang para sa akin kundi pa rin kay Jolina to improve in our respective crafts. At the same time nariyan din 'yung trabaho namin as a team para mabalanse. Actually, pareho lang yan, eh," pahayag pa nito.