MARVIN AGUSTIN: "As usual, puro trabaho ang ginawa ko last month. Kahit noong V-day ganoon din. pero oks lang dahil kasama ko naman si my labs ko dahil nagsimula na yung shooting namin para sa movie naming Hey Babe. parang ganoon din, hindi man siya nairaos nang pormal, at least, nagkasama kami nitong love month na tinatawag. Saka, hindi ko rin nakalimutang i-celebrate ito with my family, 'yung simpleng salu-salo lang. Ahh, hindi naman ako nalungkot or what just because wala akong masasabing girlfriend or what. Tama na 'yung may special sa akin at alam na ninyo kung sino siya."
JOLINA MAGDANGAL: "Love month, well as usual trabaho, tapings para sa sitcom. Pero okey lang dahil magkasama naman kami ni Marvin sa shooting namin for our movie. Parang ganoon na rin. Tapos kapag walang, sa bahay lang kasama ang pamilya. Hindi naman siya boring kasi ginusto ko naman 'yun eh. Pero siyempre, kilig sanan kung may prince charming ka, hihihi! Wala, okay lang as long as alam kong marami ang nagmamahal sa akin, walang dahilan para malungkot ako. Although kinikilig ako kapag nakakapanood ako ng love stories pero hanggang du'n lang, walang emote masyado."