Does he look at Onemig as a competitor?
"Hindi, hindi, mahirap namang isipin na porke pumasok sa bakuran niyo, eh, competitor niyo na. Paano kayo makakapagtrabaho nang maayos? Hindi pa talaga kami nakakapagtrabaho ni Onemig, mga 'hi!" lang pag nagkikita. Pero sana magkatrabaho kami one day."
Anong feeling na madadagdagan sila sa Dos?
"Eh, di mas maganda, mas masaya. Pag mas malaking pamilya, mas masaya, di ba? Meron naman kaming iba-ibang projects, eh. And I trust Talent Center," confident words niya.
Rumors na magdagsaan sa Dos ang mga taga-Siyete?
"Eh... ewan ko. Basta merong plano ang Talent Center sa aming lahat. Ilipat ba talaga ang lahat ng mga taga-Siyete sa dito sa Dos? Hahahaha!!! Hmmmm..... siguro natutuwa sila na maganda 'yung nangyayari sa mga talents dito. pero...ewan ko!" huling nasabi na lang ni Marvin Agustin.