MARVIN-DIETHER RIVALRY: REVIVED?

by: Allan S. DIones (Teenstars 03/10/99)

Magkatapat, magkaribal, magkalaban at palaging nagpapatalbugan. Ganyan ang "warring networks" na GMA7 at ABS-CBN. Hindi magpapatalbog ang isa sa isa, asahan mo nang gagayahin di nu'ng isa.

Parang ganoon sina Marvin Agustin at Diether Ocampo. Pag may ginawa ang isa, chances are, gagaya rin ang isa. In fact, may mga natatawa ngayon sa dalawang pambatong young actors ng Dos dahil recently, after mag-publication tour ni Marvin ay si Diet naman ang sumunod na nag-iikot sa iba't ibang publikasyon. Pero sey ng isang reporter, at least si Marvin daw ang unang nakaisip ng idea na 'yon. But Diether's camp claims otherwise.

Heto pa ang ilang kakatwang insidenteng ipinaalala sa amin: Nu'ng magka-Star Drama noon si Diet, nagka-Star Drama rin si Marvin, at nu'ng magpa-presscon si Marvin, tumawag din ng presscon si Diet. Nu'ng magpa-sexy pictorial daw si Marvin, nagpakuha rin ng sexy si Diet. Nung magkaroon ng soap opera si Marvin, nagka-soap opera rin si Diet. Just recently, noong bumili raw ng bagong sasakyan na RAV-4 si Marvin, hindi nagtagal bumili rin ng F150 si Diet. Unang nagkaroon ng miniseries sa Dos si Marvin, ang tsika ngayon, si Diether ipi-feature na rin sa Star Miniseries.

Di ba, nakakaloka? Ilan lang 'yan sa mga magkakahawig na career moves nina Marvin at Diether! Walang iniwan sa gayahan ng Dos at Siyete, di ba?

Oo nga pala, maraming na-touch na reporters du'n sa naisip ni Marvin na bigla itong nagtatawag sa mga press at personal na nagpasalamat sa mga naitutulong ng mga manunulat sa kanya. Nako, hindi kaya bukas-makalawa ay magugulat na lang ang mga reporters dahil bigla silang makakatanggap ng tawag from Diether? Teka, sino bang nanggagaya kanino?


FEBRUARY/MARCH 1999