SSKMA HITTING TWO BIRDS WITH ONE STONE? - CAREER SIDE

by: Rose Garcia (Fame Movie Magazine 03/19/99)

Masayang-masaya si Marvin sa ibinigay sa kanyang award ng Parangal ng Bayan biling best young actor. Sa parangal na ito, malaki ang naitulong ng mini-series na SSKMA para mabigyan siya ng pansin.

"Siyempre tuwang-tuwa ako noong matanggap ko 'yung imbitasyon at nagsasabi ngang ako raw ang napili para sa best young actor category. Siyempre, isang malaking karangalan ito sa akin. At naniniwala akong malaki ang naitulong ng SSKMA.... Kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko sa Star Cinema at sa ABS-CBN na siyang nag-produce noong mini-series at kay Direk Olive Lamasan dahil malaki ang naitulong niya sa akin," sey nga niya.

Tulad ng pagkakahirang sa kanya sa best young actor, this early pa lang daw, malaki na rin daw ang expectation niya na mare-recognize at mananalo sa darating na awards night for TV sa ginawa niyang mini-series.

"Sana...Siyempre, I'm hoping... bilang aktor naman, masasabi kong ibinuhos ko lahat-lahat. Masasabi kong piniga talaga ako nang husto ni Inang. So kumbaga, manalo man o hindi, masaya na ako."

Hmmm.... 'di siya ma-frustrate?

"Hindi naman. Kung hindi ako manalo, siguro hindi pa talaga 'yun ang tamang oras. At saka, palagi namang ganoon. So, whatever at kahit na ano, okey lang sa akin," sey nga niya.


FEBRUARY/MARCH 1999