MARVIN TALKS ABOUT JOLINA

by: Rose Garcia (Fame Movie Magazine 03/19/99)

With Jolina, maari na bang sabihing nagbalik na sa dati yung sweetness at closeness nilang dalawa?

"Kami ni Jolina, heto tinatapos na namin 'yung dalawang movies na ginagawa namin under Star Cinema. Okey naman kami ni Jolina, wala namang problema sa amin. Kumbaga, kung ano 'yung nakaraan, hayaan na natin 'yun. Past is past at ang importante ngayon, we are both working hard para sa loveteam at para sa fans namin na patuloy pa rin kaming sinusuportahan."

'Yung tanong na bumalik na sa dati 'yung closeness nila?

"Well, I guess, oo naman. Wala na naman akong nakikitang dahilan para hindi bumalik sa dati. Magkaibigan naman kaming dalawa at kapag magkaibigan kayo, then, loveteam pa kami, mas madaling mapa-patch-up lahat ng problema, siyempre kasi, mas mangingibabaw pa rin 'yung friendship. Hinahayaan na lang kasi namin. Kung anuman ang mangyari... kung being friends, eh, saan man ito hahantong, hintayin na lang natin. Mas maganda 'yung hindi pinipilit, walang magsasabi ng gagawin namin. At least, natural na natural ang dating. Although kaming dalawa naman ni Jolina, ever since, palagi naman kaming totoo. Kapag sweet kami, 'yun talaga ang napi-feel namin sa isa't-isa."


FEBRUARY/MARCH 1999