LABS KITA...OKEY KA LANG? RESHOWN

by: Eric John Salut (Fame Movie Magazine 03/19/99)

Due to insistent public demand, Star Cinema is once again showing to the public the movie Labs Kita, Okey Ka Lang? ngayong March 17. Ito ay bunsod ng requests ng mga tagahanga nina Marvin at Jolina na muling ipalabas ang movie na idinerek ni Jerry Sineneng.

Lumikha ng ingay ang movie dahil ito yung time na nagkaroon ng lamat ang pagtitinginan nina MAJ. Nadamay ang magulang ni Jolina at pati ang magandang pagtingin ng mga ito kay Marvin ay naapektuhan. Pero sa kabila ng isyu, naging megahit ang movie. Kasama rin dito sina Gio Alvarez, Vanessa del Bianco at Jeffrey Hidalgo.

Ang naturang movie ay isa sa pinakamalakas na pelikula ng Star Cinema ng nagdaang taon. Showing ito sa maraming theaters sa Metro Manila sa March 17.


FEBRUARY/MARCH 1999