MARVIN NOT INSECURE

by: Robert Perez (Intrigue Magazine 03/19/99)

Walang dudang isa sa busiest among young actors at present si Marvin. Dalawang pelikulang nilalagare niya sa kasalukuyan habang kabi-kabila pa rin ang raket niya sa TV na balitang magkakaroon pa ng Book 2 ang mini-series niyang SSKMA. Kaya naman walang dahilan para ma-insecure siya kay Diether.

"As far as my career is concerned, wala na akong mahihiling pa. Masaya't kuntento na ako sa nangyayari na kahit papaano, hindi tayo nawawalan ng raket. Trabaho pa rin tayo araw-araw. Kung puwede nga lang kahit isang araw, makapagpahinga ako, pero sa nangyayari nga, nadadagdagan pa ang sked ko. Medyo sumusuko na rin ako, pero kailangan. He-he-he!" birong-totoo ni Marvin.

Hindi pa rin nga natatapos ang kumpetisyon sa kanila ni Diether na sinasabing karibal niya.

"Actually, wala naman talaga 'yon, eh. Kami ni Diet, okey kami. Hindi na lang namin pinapansin 'yung mga intriga sa amin. Isa ako sa natutuwa para sa kanya dahil sunud-sunod din ang trabaho niya, tapos may mga business pa siya na inaasikaso. Kaya hanga rin ako sa kanya."

Next movie ni Diether, si Maricel Soriano ang kapareha nito. Hindi ba siya naiinggit?

"As what I've said, I'm happy for him. Kumbaga, sabay kaming nagsimula at kahit na papaano, napapansin na rin kami. Unti-unti na naming napu-prove sa mga detractors na kaya rin namin. Nakasama ko na rin si Ate Maricel sa KAMHM kaya nauna pa rin ako! He-he-he!"


FEBRUARY/MARCH 1999