ON JOLINA MAGDANGAL

by: Robert Perez (Intrigue Magazine 03/19/99)

Kamusta na ang samahan nila ngayon?

"Kami ni Jolens, okey na okey na kami. Siguro nga, nagsisimula ulit kaming dalawa para maibalik 'yung dating closeness namin. Pero ang importante naman, okey na kami. Nagkakaintindihan na kaming dalawa. Dahil sa mga nangyari, hindi nga siguro maiiwasan na magkaroon ng lamat 'yung dating samahan namin. Pero naniniwala akong maibabalik ang dating naming samahan. You know, isa pa rin siya sa mga espesyal na tao sa buhay ko. Hindi ako puwedeng makalimot. Well, siguro nga, 'yung nangyaring gulo sa amin, daan din 'yon para lalo naming makilala ang isa't isa. Kumbaga, pagsubok lang 'yon para lalo kaming tumibay."


FEBRUARY/MARCH 1999