ON KRISTINE HERMOSA

by: Robert Perez (Intrigue Magazine 03/19/99)

Kalat na kalat ang usapang pumuporma ngayon si Marvin sa kasamahan niya sa DOS at SSKMA na si Kristine Hermosa. Ilang beses na rin daw siyang nakadalaw sa bahay ng dalaga? How true?

"Kahit ako nga, nagugulat na lang. Kung bakit kasi may mapalapit lang sa aking babae, maka-close ko lang kay Ganito or kay Ganyan, tsismis na kaagad. Nilalagyan na kaagad ng malisya. Si Krisitine po ay isang kaibigan lang. Wala akong masasabi sa kanya dahil napakabait niyang tao. Pero hindi ako lumiligaw, nakikipagkaibigan lang. Kahit si Kristine pa ang tanungin niyo! Nahihiya na ako kay Kristine dahil sa mga lumalabas. Pati na rin sa mom niya. Baka mamaya, ma-ban na ako sa bahay nila. Huwag naman! Pero hindi po talaga. We're just friends!" pagdidiin niya bilang pagtatapos.


FEBRUARY/MARCH 1999