OVERWORKED

by: Joey Diego (Kislap Magazine 03/22/99)

Dalawang pelikula magkasabay ang tinatapos ni Marvin. Magkasabay niyang ginagawa ang mga pelikulang Gimik at Hey Babe na kapwa produce ng Star Cinema.

"Grabe nga 'yung pressures kaya nagkasakit ako. Muntik na nga po akong ma-confine sa hospital dahil talagang suka ako nang suka noong araw na nagsu-shooting ako ng Hey Babe. Hindi ko rin maintindihan kung saan ko nakuha 'yon. Talagang sinaksakan ako ng dextrose sa hospital nang magpa-check-up ako noong araw na pumunta ako roon. Akala ko nga, mako-confine na ako dahil hinang-hina na talaga ako. Pinagpahinga lang ako noong mga doktor at inubos 'yong dextrose na inilagay sa akin at pinauwi na ako sa bahay. Sobrang stress at nagpapagutom daw kasi ako kaya ganoon ang nangyari sa akin. Kumbaga, overworked kasi ako at kulang na kulang sa tulog kaya sabi nila, ipahinga ko raw iyon. Ganoon na nga ang nangyari kaya napahinga talaga ako ng dalawang araw, kaya tuloy na-pack-up 'yong shootingko noong araw na magpunta ako sa hospital. Wala akong magawa dahil ganoon katindi 'yong schedules ko, dasal ko na lang talaga, sana, huwag na akong magkasakit dahil dalawang pelikula itong nilalagare ko," kuwento pa sa amin ni Marvin.


FEBRUARY/MARCH 1999