"Excited ako dahil imagine, Malacanang iyon, hindi biro 'yong makatanggap ka ng awards na tulad noon. Grabe nga yong tuwa ko nang sabihin sa aking pararangalan nga raw ako roon. Diyos ko, ni sa pangarap, hindi ko naisip na tutuntong ako ng Malacanang para tumanggap ng awards kaya sobra talagang itong kaligayahan ko. Sabi nga noong iba, napaka-OA ko raw dahil parang ngayon lang ako tatanggap ng awards gayong nakakuha na rin ako ng acting awards. Iba naman kasi ito. Kumbaga, Parangal ng Bayan at sila mismo ang pumili sa akin kaya ibang-iba talaga 'yong feeling ko ngayon," tuwang-tuwang sabi pa ni Marvin sa amin.