"Sa totoo lang, kaya lang naman ako dumadalaw ay dahil malapit lang naman yung bahay nila sa bahay namin. That was Valentine's day. Hindi ko naman ikinakaila 'yun. Since wala naman akong date that day at may sakit pa ako noon, dumaan lang ako sandali at konting kuwentuhan, ganoon lang. Hindi ko naman masabing nanliligaw ako dahil wala naman akong sinasabi na ganoon ang layunin ko. Natutuwa lang ako sa kanya at napalagay ang loob ko. Para ko lang kid sister si Kristine since naging close kami habang ginagawa yung SSKMA. Yung mga lumalabas na balita, exaggerated na 'yun. Pinalaki na lang pero ang totoo, hindi talaga ako nanliligaw sa kanya."
May lumalabas din kasing balitang ipinagkakalat niyang gf na niya ito?
"Hindi totoo iyan, paano ko naman gagawin 'yun eh, di napahiya ako sakaling i-deny ako ni Kristine. Kung magkakaroon ako ng GF ngayon, ba't ko naman itatago pa, e, lalabas at lalabas din naman ang totoo. Pero itong tungkol kay Kristine, wala akong pinagsasabihang GF ko siya. Iharap nila 'yung taong nagsasabing umamin ako sa kanila. I can easily talk with them para patunayang wala akong sinasabing ganyan."
Hindi raw nagustuhan ni Kristine iyon kaya ngayon ay may gap sila?
"That's true, dahil feeling ko, e, mas naniwala pa siya sa ibang tao o 'yung mga nasa paligid niya kaysa sa akin. Since kaming dalawa ang nag-uuwap dapat sana, eh, mas pinaniniwalaan niya ako. Talagang sumama ang loob ko sa kanya kaya hindi talaga kami nag-uusap pa sa ngayon. Natigil 'yung pagte-text namin sa isa't isa. I have the right na sumama ang loob dahil mas pinaniwalaan pa nga niya yung nakarating sa kanya gayung ni hindi siya nag-try na tanungin ako."
Aminado siyang war sila ni Kristine ngayon?
"Hindi naman matindi 'yung nangyayari para sabihing war kami. Samaan lang ng loob, natural lang 'yun sa magkaibigan, di ba?" say pa ni Marvin.