ON JOLINA AND KRISTINE

by: Ernel P. Remos (Kislap Magazine 03/29/99)

ON JOLINA:
"We're okay na , nag-uusap na kami. Talagang ganyan naman sa showbiz, kung minsa, hindi niyo maiiwasan ang magkasamaan ng loob dahil na rin sa mga nakapaligid sa inyo. I think that's part of the business. right now, tuluy-tuloy na ang pagsasama namin, ginagawa namin ang Hey Babes at ang movie version ng Gimik. Wala na talagang problema sa amin ni Jolina."
Plastikan lang daw ang kanilang pag-uusap para lang maipakita sa kanilang fans na sweet silang muli?
"Hindi kami gagawa ng bagay na manloloko kami ng tao. We're actors and actresses," sambit pa nito.

ON KRISTINE:
"Hindi kami mag-on! We're just close dahil naging maganda ang pagsasamahan namin sa SSKMA, masarap siyang kasama dahil makuwento at mabait. Magaang katrabaho si Kristine. Sa ngayon, puro trabaho lang ang uunahin ko at ang aking pamilya. Marami pa kasi akong dapat na gawin, hindi ko rin maaasikaso ang lovelife sakaling meron man."


FEBRUARY/MARCH 1999