2. ON THE JOLINA'S RUMORED "HELLO ONEMIG, GOODBYE MARVIN"...
"Kung darating sa puntong sila na ni Onemig ang magiging magka-loveteam, plastic ako 'pag sinabi kong hindi ako masasaktan. Minsan inalagaan ko ang loveteam namin ni Jolina, at masakit na mabubuwag ito ganu'n-ganoon lang. Sana huwag. Pero kung mangyayari man 'yun, ano pa ba ang magagawa ko kundi ang tanggapin ang totoo and go on with my life."
3. ON FAVORITISM ISSUE.....
"Ang lakas naman ng loob ko para sabihing, oo ako ang favorite ng Dos. Unang-una, hindi ako naniniwala dito. Parang maikukumpara mo 'yan sa isang classroom. Ang isang teacher, hindi kahit kailan magugustuhan ang isang estudyanteng tamad, hindi pumapasok, 'di gumagawa ng assignment bukod sa maingay pa sa klase. Defintely at inaasahan na nating mapapalapit ang loob niya, bibigyan niya ng mataas na grade 'yung estudyanteng masipag, responsable, pumapasok sa oras at magalang. Ganyan di n naman ang trabaho namin dito. Ang ipuy-push siyempre nila ay 'yung kinakikitaan nila ng tiyaga, dedikasyon at pagmamahal sa trabaho. I can say na sa lahat ng trabahong ibinibigay sa akin is pinagbubutihan ko talaga. Saka sa bawat artista ng Dos, lahat sila ay may plano. You just only have to be patient and wait."
4. RELATIONSHIP WITH JOLINA....
"Paunti-unti. Sa akin kasi hayaan nating mangyari nang hindi pinipilit. Let things happen naturally. Natutuwa nga akong nagiging maayos na uli ang lahat. Kung maibabalik ang dati, huwag nating madaliin, mangyayari rin ang gusto ninyo at gusto kong mangyari."
5. RELATIONSHIP WITH KRISTINE.....
"Kristine is just a good friend of mine. Natural lang naman sigurong maging close kami dahil nagkasama na kami sa SSKMA at magkakasama pa uli dahil magkaka-book 2 nga. Hindi ko ide-deny na napadaan ako minsan sa bahay nila. May dinaanan kasi ako noong kaibigan na malapit lang sa kanila. Bilang kaibigan niya, sumaglit na ako sa kanila, at wala akong makitang masama doon. Sa pagte-text namin, ano ba ang pagkaiba ng ginagawa namin sa ginagawa ng ibang artista nagte-text din? Kung tawagin man niya kong Jay, wala naman sigurong masama. Everybody can call me Jay because my full name is Marvin Jay Marquez Cuyugan at ilan sa mga close sa akin is Jay ang tinatawag sa akin."
6. ON ISSUES INVOLVING AMY PEREZ.....
"I really don't want to talk about that. Hiyang-hiya na ako roon sa tao, sa mga offending na balita na nakakarating sa kanya. Nag-usap na kaming dalawa, I apologized at naintindihan naman niya. 'Yun na 'yun."