MAJ DEAD NA DEAD SA ISA'T ISA

by: Joey Diego (Teen Plus Magazine 03/27/98)

Loveteam of the 90's, 'yan ang taguri ngayon sa team-up nina MAJ. No doubt na talagang sila ang "in" ngayon. Of course, nariyan pa rin naman sina Diether at Claudine, Rico at Judy Ann, Jericho at Angelika. At aminado pa rin naman sina MAJ na hindi pa rin matatawaran ang tandem nina Judy Ann at Wowie. Pero dahil sa big success ng pelikula nilang KAMHM, masasabing hindi na ng pahuhuli ang kanilang tambalan. Ang maganda rito, solid talaga ang kanilang loveteam. Kung mapapnsin, sila lang talaga 'yung loveteam na may touch of reality, 'yon ang advantage nilang dalawa. Kaya naman kilig na kilig sa kanila ang kanilang mga tagahanga na ang pinakaaabangan ay malaman na "sila" nang talaga. More than anything else, ilulunsad na ang kanilang loveteam sa launching movie nilang Okey Ka Lang mula sa Star Cinema na kukunan sa Baguio, at this time, maraming sorpresang nakalaan para sa mga solid nila tagahanga. Minsan pa ay "nahuli" sila ng aming camera sa taping ng Onli In Da Pilipins kung saan off-cam ay nakita namin ang kanilang walang patumanggang ka-sweet-an na sa totong buhay ay walang pinagkaiba sa mga roles na ginagampanan nila. Close na close at talagang dead na dead sila sa isa't isa na sabi nga ni Jolina, walang halong ka-showbiz-an 'yon. Naghahanda na sila sa kanilang pangatlong pelikulang gagawin na sisimulan nila sa darating na Abril. Kaya abangan!
PICTURES
MARCH 1998