Wala na talagang makakpigil pa sa tuloy-tuloy na pag-akyat ni Marvin Agustin sa rurok ng tagumpay. Kamakailan, siya ang itinanghal na Best New Movie Actor of the Year sa Star Awards dahil sa napakahusay na performance niya sa pelikulang Flames, The Movie noong nakaraang taon. Dahil dito marami tuloy sa mga kasabayan ni Marvin ang kanyang napag-iwanan. Kumbaga, milya-milya na ang layo niya sa mga ito. Naniniwala ba rito si Marvin?
"Hindi naman porke nakakuha ako ng acting award eh milya-milya na ang layo ko sa kanila, hindi naman ganu'n 'yun! Kumbaga umakyat lang ako ng isang palapag sa hagdanang inaakyat namin, masasabi kong kahit paano may fulfillment na 'yung pagiging actor ko just like Patrick Garcia who won the Best Actor award. Somehow this gave me the feeling na hindi naman ako napag-iiwanan kaya nga itong award na ito ang magsisilbing inspirasyon sa akin para lalong pagbutihin 'yung acting ko," sey pa ni Marvin nang kausapin namin ito sa victory party na ginanap sa Edsa Plaza Hotel after the awards night.
Marami ang nagsasabing jinx ang awards na tinaggap niya. Dahil lahat daw halos ng artistang nakakakuha ng naturang award ay nalalaos. Naniniwala ba siya rito?
"Hindi! Hindi ako naniniwala dahil I believe na walang malas sa buhay, walang taong malas at lalong hindi malas 'yung award na 'yun. Nasa tao lang naman 'yun eh, sila ang gumagawa, kung sila ba mismo ang gagawa ng kamalasan sa buhay nila, eh, mamalasin nga sila! Pero para sa akin hindi ko kinatatakutan 'yun dahil naniniwala naman ako sa kakayahan ko. Kaya sa tingin ko hindi naman siguro ako mamalasin dahil wala naman akong ginagawang palso sa buhay ko!" mariin pang sabi ng mabait na young actor.
Ano naman ang naging reaksyon ni Jolina nang sabihin mo sa iyong speech na nanalo kayo ng labs mo?
"S'yempre natuwa siya, kasi siya talaga ang kauna-unahang naniniwala sa kakayahan ko. Bago pa 'yung awards night na 'yun, sinabi niya sa akin na malamang manalo daw ako, lakasan ko lang 'yung loob ko, nagtagumpay naman kami kaya after na ma-receive ko 'yung trophy, tinawagan ko kaagad siya, after my Mom, siya kaagad 'yung ibineep ko. Nu'ng malaman niyang nanalo ako, s'yempre ang saya-saya niya, binati rin niya ako kaagad," tuwang-tuwang kuwento ni Marvin.
Pagkatapos niyang makakuha ng acting award, ano naman ang plano niya sa career niya ngayon?
"Una, syempre lalo kong pagbubutihin 'yung acting na ipamamalas ko sa mga pelikulang gagawin ko. Sana nga sa susunod na akyat ko ng stage eh Best Actor trophy na 'yung makuha ko, how I wish na sana matupad 'yun dahil seryoso talaga ako sa career ko ngayon."
Ano naman ang feeling na tinalo niya si Bojo Molina?
"S'yempre isa lang naman ang p'wedeng manalo sa amin, kung siya nag nanalo, ako naman ang talo, s'werte nga lang at ako ang nanalo. 'Yung feeling? S'yempre nakakakaba, narinig mo ba 'yung speech ko? Halos hindi ko maalala 'yung mga pasasalamatan ko, buti na lang medyo malakas 'yung presence of mind ko kaya marami akong napasalamatan although marami rin akong nakalimutan like Tita Monch Novales of Talent Center. I would like to thank her also sa lahat ng tulong at pagmamahal niya sa akin na despite na marami siyang alaga ay hindi niya ako napapabayaan, kaya I would like to thank her for being a "Nanay" to me, sorry kung hindi ko siya napasalamatan on air, pero babawi ako sa kanya," litanya pa ni Marvin sa amin.
Ngayong nakakuha na siya ng acting award, mamimili na ba siya ng role na gagampanan?
"Ah hindi. Siguro medyo pag-aaralan ko lang 'yung role. Saka bago ko naman tinatanggap 'yung offer sa akin eh pinadadaan ko muna sa manager ko, pinag-aaralan kung okey ba 'yung role, noon pa man kasi, kahit hindi pa ako nananalo eh ganu'n na 'yung policy namin, so wala namang dapat magbago sa pagpapatakbo ng career ko dahil lang sa award na 'yun, hindi naman dahilan 'yun para maghitad ako 'no, never talaga!" sumusumpang sabi pa ni Marvin sa amin.