Inusisa namin ang isang award na ibibigay sa kanila ni Jolina ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awards bilang Most Promising Young Stars. Naniniwala ba siya sa credibility ng awards na 'yon ganu'ng si Rosanna Roces na siyang naging Box Office queen na gagawaran nila ay inisnab ito dahil hindi naman daw credible?
"On my part, I'm happy dahil muli naman kaming napansin ni Jolina. It's an honor for us na bigyan ng ganu'ng awards, para sa akin isang achievement na naman 'yun. Naniniwala ako sa lahat ng award giving bodies, to think na establish pa iyong pangalan nila eh, isang malaking kalokohan naman kung sasabihing hindi sila credible. As far as I know, marami na namang malalaking artista ang nabigyan nila ng parangal na hindi naman sila inisnab. Basta ako, isang malaking karangalan para sa amin ni Jolina ang mabigyan kami ng award," pagtatapos ni Marvin.