COMPARISON WITH JERICHO ROSALES

by: Allan Diones (Teenstars 04/14/99)

Sa hanay ng mga youngstars ngayon, si Marvin at si Jericho ang magiging mahigpit na magkatapat sa larangan ng pag-arte.

Marami na rin namang napatunayan ang huli gaya ni Marvin. Handa na kaya siyang makipagtagisan ng galing kay Jericho?

"Lagi ko ngang sinasabi na hindi ako nandito sa showbusiness para makipag-kompitensiya kahit kanino. Basta nandito lang ako para magtrabaho. Ako naman, pinagbubutihan ko lang 'yung trabaho ko bilang artista. Although alam ko na sa showbusiness, hindi talaga maiiwasan 'yung ikumpara ka sa iba. Kung kumpetisyon 'yon para sa iba, sana naman, healthy competition at huwag nang paguluhin pa."

Ano naman kaya ang masasabi niyang mas magaling pa rin daw si Jericho sa kanya, pero mas masuwerte lang siya dahil paborito siya sa Dos kaya naman mas nabibigyan siya ng magagandang proyekto?

"Ayoko ng patulan 'yon. Kanya-kanya namang opinyon ang tao or gusto. Kung 'yon ang sinasabi nila, opinyon nila 'yon. dito naman sa business na 'to, kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng tao, mapi-please mo. Para sa akin naman at alam kong para kay Jericho, trabaho lang lahat. Ibang tao lang naman ang naglalagay ng intriga, e. Isa pa, I don't think na paborito lang ako ng Dos or malakas lang ako kaya binibigyan ng magagandang projects. Hindi rin naman siguro ako pag-aaksayahan ng panahon ng Dos or Star Cinema kung hindi nila nakikitang pinagbubuti ko 'yung trabaho ko. Showbusiness is also business, hindi naman siguro sila basta-basta susugal kung wala silang nakikita."

So, hindi totoong ayaw niyang makasama si Jericho sa isang soap-operang pagbibidahan nilang dalawa.

"Sino naman ako para tumanggi. Magkasama naman kami sa Esperanza kaya paano nila masasabi iyon. In fact, may bagong soap operang pagsasamahan namin pero pinag-uusapan pa lang. I'll be happy to work with him kasi alam kong magaling siyang aktor. Sana lang, tigilan na nila 'yung ganu'ng isyu."


FEBRUARY/MARCH/APRIL 1999