KRISTINE HERMOSA

by: Allan Diones (Teenstars 04/14/99)

Malakas kasi ang usap-usapan na sila ni Kristine Hermosa ngayon. Ang impormasyon ay galing pa raw mismo kay Marvin na naging mag-steady sila sometime in December 1998. How true is this? Sinabi mo ba talaga ito?

"Bakit ko naman sasabihin 'yon, e, hindi naman kami. Wala akong sinasabing ganu'n."

Sa set daw ng SSKMA ay lagi kayong nag-uusap at hanggang ngayon ay madalas kayong mag-text sa isa't isa at para raw hindi mahuli ng mommy ni Krisitne ay gumagamit ka raw ng code name na Jay.

"Normal lang na nagkakausap kami sa set kasi madalas kaming magkaeksena. Ano naman ang masama kung nagti-text kami, e, lahat ng friends, ko, tini-text ko rin. What's wrong kung ginagamit ko 'yung name na Jay, alam ng lahat ng close sa akin na 'yun ang nickname ko. Huwag naman nilang bigyan ng kahulugan. Napakabata pa ni Krisitne kaya parang sister lang ang turing ko sa kanya. Kung makakarating sa mommy niya 'yung mga ganyang tsismis, nakakahiya naman, di ba? Ayoko nanag patulan 'yan. WAala talaga kaming relasyon," pagdidiin pa niya.


FEBRUARY/MARCH/APRIL 1999