"Mas maganda 'tong Book 2. Mas maraming mangyayari, 'tsaka mas maraming twist sa story," tsika ni Marvin nu'ng pasyalan namin ang set ng SSKMA recently.
Sa mga pamilyar sa istorya, Marvin plays the poor boy Ruben in SSKMA na bestfriend ni Raffy (Piolo Pascual) at kasintahan ni Agnes (Kristine Hermosa).
Sa ending ng Book 1 ay kinakasal ang dalawa nu'ng sumabog ang simbahan. In the continuation ay bulag na si Agnes at hindi pala natuloy ang kanilang wedding. Wala na sina Hilda Koronel at G. Toengi dahil natsugi na sila sa istorya pero marami raw new characters na papasok, sabi ni Marvin. This will run for 24 weeks ('yung Book 1 ay 12 epsiodes lang), right after 'yung much-talked about miniseries ni Pops Fernandez.