Marvin Agustin is really widening up his horizon. Mantakin ninyong nag-aaral ito ng piano ngayon dahil kailangan daw sa pelikulang ginagawa nila ni JOLINA MAGDANGAL. Actually, hindi na kailangan kung magaling kang aktor pero...
"Wala lang, upon learning na musician pala ang role ko sa movie na ito ay naisipan ko lang na mag-aral ng piano dahil gagamitin ko nga sa movie. Kung aarte kasi ako na kunwari ay marunong akong mag-piano, pero in reality ay hindi naman, mahihirapan pa akong umarte, samantalang kung talagang marunong ako, hindi ko na kailangang umarte talaga.
"It will come out naturally kaya makakaganda pa sa story. At saka, okay din ito dahil additional skill para sa akin kaya wala akong panghihinayangan. Ang problema lang ngayon ay mahirap magsingit ng schedules dahil busy ako, pero kahit na anong busy ko ay kailangang tapusin ko ito para naman hindi masayang ang pinagpaguran ko," paliwanag pa nito.