MARVIN LEAVING ESPERANZA?

by: Rgee Gaspar (Moviestar Magazine 05/06/98)

Balitang aalisin na siya sa Esperanza. Ang dahilan daw nito ay hindi naman masyadong nakakatulong ang character niya roon at hindi masyadong nakakahila ng viewers. Pamparami lang daw siya kumbaga.

"Totoong aalisin na ako sa Esperanza, pero temporarily lang at hindi permanently na akong mawawala sa show. Kailangan lang naming mag-stay sa Baguio for straight three weeks dahil sa shooting doon ng movie namin together. Bababa lang siguro kami for the taping of Onli in da Pilipins tapos aakyat na ulit dahil kailangang matapos ang project. As for my role in Esperanza, kung talagang hindi ako nakakatulong or hindi nakakatulong ang character ko roon, eh, sana matagal na nila akong inalis sa show. Kahit naman paano ay may dating kami ni Jolina sa show. At hindi ako nakakaramdam na kesyo napipilitan lang silang ilagay kami roon. Wala akong naririnig na hindi kami kailangan doon or something like that. Actually, talagang mahirap magsalita dahil baka nga mamaya ay kailangan na pala talaga kaming alisin doon. Siyempre, nakakalungkot dahil close kaming lahat sa soap operang iyon. Malulungkot ako dahil malaki ang mawawala sa akin in terms of earning and the camaraderie na napi-feel namin every Tuesdays and Thursdays 'pag nagkikita kaming lahat doon. Alam naman natin sa showbiz, kung minsan nga, magti-taping ka na lang ay napapalitan ka pa. Pero as far as I know, wala naman yatang balak ang Dos na palitan ako o alisin sa show."

MAY 1998