MARVIN: DIFFICULT TO GET ALONG?

by: Rgee Gaspar (Moviestar Magazine 05/06/98)

Malaki na raw ang ipinagbago ng isang Marvin Agustin in terms of dealing with people. kumbaga, feel na feel na raw nito ang kanyang kasikatan at halos parang napipilitan na lang siyang makipagtsikahan sa mga taong nakakakita sa kanya. Umakyat na raw sa ulo ang kasikatan ng aktor?

"Hindi mangyayari sa akin iyon dahil ako nga itong parang ambassador of goodwill na kahit na pagod ako, 'pag talagang may mga taong gustong magpa-picture with me at makipagkamay ay okay lang sa akin. Alam ko naman kasi kung ano ang importansiya ng mga taong ito na nakikipagtsikahan sa akin. Hindi ako dapat magmalaki kahit na kanino dahil wala naman akong dapat na ipagmalaki. Ang hinihingi ko lang naman ay maintindihan nila kami na minsan, kailangan din naming manahimik at mag-isip nang kaunti. Pero hindi lumalaki ang ulo ko," paliwanag pa ng image model ng Blowing Bubbles.


MAY 1998