Among our present crop of teenage idols, sina MARVIN AGUSTIN at Diether Ocampo ang pilit na pinagtatapat. Sino ba ang mas sikat? mas magaling umarte? mas may potensyal tanghaling hari ng pelikulang Pilipino?
At dahil sa mga katanungang ito ay minarapat naming suriin ang iba't ibang katangiang tinataglay ng dalawang idolo.
Magkaiba ang kaguwapuhan ng dalawa. Marvin is your typical guy. Cute at very lovable ang dating. I must say na best asset niya ay ang kanyang mga mata. Mabibilog ito na parang laging nangungusap. Katamtaman lang ang tangos ng ilong. Maganda ang tubo ng mga ngipin. Although minsan parang may pagka-OA kung siya ay ngumiti. Kung sa height, kainaman lang ito. He stands 5'7". May tendency na maging chubby kaya laging consciuos ito sa pagkain to the point na panay crackers at juice lang ang pinagtitiyagaan. Overall ay passable si Marvin. Angat naman siya sa ordinaryong tao pero hindi siya nakakaungos sa mga ka-batch.
Diet has the matinee idol look. Matangkad (5'10"). Maputi. Tipong Chinese-Mestizo ang dating. He has droopy eyes na medyo malamlam. Flawless ang bagets at tipong alaga ng derma. May mga muscles kahit papaano si Diet na unti-unting nade-develop. Mabango ang dating niya at laging fresh ang aura. Higit sa lahat napakagaling pumorma. Tipong kahit napaka-baduy na kulay at design ay kaya niyang dalhin with much ease. Looks wise mas nakakaangat si Diet kay Marvin. Mas manly, mas cool at mas refreshing kasi ang dating ni Diet.
Magkaiba ng appeal ang dalawang bagets. Marvin caters to the masses especially the teenagers while Diet is swooned over by kolehiyalas and the gay crowd. May dating kasi si Diet na parang sex symbol. He may not be seen in his skimpist trunks and provocative poses but his sensuality is felt. May pangiliti ang kanyang labi. Napakalambing pa ng binata kapag nakikita namin siya ng personal. May karisma siyang mahirap maipaliwanag.
Iba naman si Marvin. Siya 'yung parang kabarkada mo lang. Very reachable. Madaling maka-relate sa kanya. Hindi snobbish at hindi mapili sa mga kakaibiganin. Lalo pa nang malaman nating his dad is indispose at the moment at siya ang tumatayong breadwinner ng pamilya. Parang ibig mo siyang yakapin at sabihin sa kanyang kaya mo ang lahat, hindi ka nag-iisa, kasama mo kami sa lahat ng laban mo. Imbes na nakasira ay nakadagdag pa ang mga nude at betamax issues sa kanyang appeal. It seems na laging inaapi at hinahadlangan ang pag-angat ng binata. With these image ay lalo siyang napalapit sa masa.
Talent wise ay mas maraming mai-o-offer si Marvin. He could dance and he could act. Parang ipinanganak talaga siya para mag-showbiz. Although at times ay may pagka-OA umarte ngunit hindi mapasusubalian na talagang may talent sa pag-arte si Marvin. Sa pagsasayaw ay maaasahan mo rin. He could execute any step with much ease. Parang wala siyang buto kapag sumasayaw. Puwede siyang pang-drama at puwede rin pang-comedy. Hindi siya mahirap hanapan ng role, 'yun nga lang hindi siya ganoon katangkad kaya parang hindi siya pang leading man material. Tapos hindi pa maganda ang rehistro niya sa screen. Dapat inaangguluhan ng maayos para magandang lumabas sa screen.
Diet is good at drama.(?) 'Yun nga lang parang hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang umarte. Maybe his dimples are getting in the way. Mas relaxed sa comedy itong si Diet. He couldn't carry a tune. He barely can dance. So ang talagang talent na lang that is left of him is in the acting department. So I suggest na ito na lamang ang pagtuunan niya ng pansin. Ibigay na lang niya sa iba 'yung pagsayaw at pagkanta dahil wala siyang future rito. You don't need to be an all around performer para magtagal sa industry. Ang kailangan ay may effort ka para may focus ang career.
Parehong smart ang dalawa. Although barely step sa college yet they could answer questions well. Pareho silang mga college drop-out. Nag-Theater Arts si Marvin at nag-PT, RT,OT at kung anu-ano pang therapy itong si Diet. Pero no avail. Mukhang sa showbusiness talaga ang kanilang calling. Before ay medyo laconic ang mga reply nitong si Diet. Tipong one-word response. But lately ay talagang humahataw na si Diet. Mabibilis na ang kanyang response at talagang alam mong nag-aaral siya privately para mahasa ang kanyang utak at gumanda ang kanyang personalidad. Nakakagulat ang transformation niya na tipong from Eliza Doolitle at Professor Henry Higgins. Fom being so simple to a man with a lot of sense. Effective ang private tutor ni Diet.
Eversince naman ay talagang magaling sumagot itong si Marivn. Isang tanong mo pa lang sa kanya ay isang kilometro na agad ang kanyang response. At lagi siyang may words o wisdom na binibitiwan palagi. Streetsmart siyang masasabi. Siguro kung pinagtuunan lang ng pansin ni Marvin ang kanyang pag-aaral, malamang ay naka-graduate siya with honors. Maganda ang mga pangarap niya sa kanyang pamilya. Alam mong nag-iisip. Hindi siya palaru-laro lang. May his tribe increase.
One thing that both of them have is 'yung pagiging very accomodating nila. Kahit anong puyat at pagod kapag sinabi mong deadline mo na ay siguradong magpapaunlak sila. Sila 'yung kahit ilang beses napag-usapan ang isyung itinatanong mo ay lagi pa rin nilang sinasagot. Sila nga ang maituturing na mga writer's delight.
On a personal note ay nakakatuwa itong si Marvin, kahit na kabagu-bago pa lang naming manunulat ay magiliw na ang pakikitungo niya sa amin. Everytime na magkikita kami ay lagi siyang nakabati at tanda niya ang name ko kahit isang beses pa lang kami nagkita. 'Yun nga lang masyadong secretive itong Marvin. Kapag may problema siya sinasarili niya lang ito. Sa almost one year naming pagkakilala ay hindi pa siya nag-confide ng mga problema niya. Pero kapag kami ang may dinadalang mabigat ay lagi siyang handang makinig. Knowing him is like living in one-way mirror. Makikilala ka niya ng lubusan pero ikaw never mo talagang makilala ang totoong Marvin Agustin. Takot siyang magtiwala. At minsan nakakapaghinanakit na kahit anong gawin mong paraan alam mong kahit kailan hindi ka niya papapasukin sa mundo niya. Kumbaga sa bahay, hanggang tarangkahan ka lang. Hindi ka makakapasok ng sala niya.
Diet is more open about his life. Lahat na yata ng mga nangyari sa buhay niya ay sinabi na niya sa amin. Hindi siya nahihiyang aminin na nag-stow away siya before, na pinamigay silang magkakapatid. Very affectionate si Diet. Alam mo agad na special ka sa kanya. Kapag kumakain siya, i-offer niya sa iyo ang food niya. In short magaling makisama si Diet. Maaring kulang pa lang sa time pero alam mong darating ang panahon na mas lalo pa kayong makakapagpalagayan ng loob.
Kung sa matatagal ay pareho naman silang may potensyal, acting wise, appeal-wise and support wise ay pareho silang mayroon nito. Nakikita ko si Marvin na magiging effective na dramatic actor in the molds of Joel Torre, Michael de Mesa at Albert Martinez.
Si Diet naman ay tipong puwedeng action star na may konting bahid ng sensualidad. Mala-Phillip Salvador o Eddie Garcia. Pang-drama na at pang-action pa.
Sana nga lang ay huwag silang mapabayaan ng Talent Center. Mabigyan pa sana sila ng mas mapanghamong pagganap para mahasa pa ang kanilang talento. Pero in the end ay nasa kanila ring desisyon 'yun kung gusto pa nilang magtagal o hindi sa industriya. It would also be nice kung may fall back sila, kung makapagtapos sila ng pag-aaral. Balita ko pareho nilang gustong maging direktor balang araw. Well, that's another direction to head for. Pero pansamantala while they are at it, paghusayan pa nila ang kanilang pag-arte because definitely there are still a lot of things to improve on.