Nagkasalubong at nagkita sa Roper's Studio last week sina MARVIN AGUSTIN at diether ocampo. Si Marvin nama'y may exclusive pictorial with Blowing Bubbles. Parang walang nangyayaring gap between the two young actors no'ng magkamayan at magbatian ang dalawa.
"Of course not! Sino ba naman ang nagsusulat na we're not in good terms?" iritang usisa ni Marvin.
"Sa amin ni Diether, walang personalan. Kung anuman 'yung mga naglalabasang negative about us, it's ony the writer's opinion. Siguro, dahil kami ang palaging nakikita sa kung anu-anong shows at programa sa Dos, iniisip nila siguro na meron kaming professional rivalry. I'll tell you, we're not enemies. Friends pa rin kami ni Diether kahit na pinag-aaway kami," seryosong pahayag pa ni Marvin about Diether.