FEEL NA FEEL NINA MAJ ANG KALAMIGAN SA BAGUIO

by: Joey Diego (Teen Movie Magazine 06/11/98)

Pinagod namin ang aming sarili para lang makaabot itong exclusive pictorial kina MAJ at Gio Alvarez. Hindi po sila love triangle, nagkataon na wala si Vanessa Del Bianco sa set kaya hindi siya napasama sa pictorial na ginawa namin. Ipinaliwanag sa amin na hindi raw triangle ang romansa nila kundi foursome.
Sa UP Baguio kinunan ang eksena nilang nagkita-kita sila pagkatapos nilang mag-enroll at doon din kami nagkaroon ng pagkakataon na hilahin sila sandali para makunan ng aming magic camera. Sinamantala naming break sila ng mga oras na iyon kaya nahila namin sila sa isang sulok ng UP campus para nga sa special anniversary issue naming ito.
Game na game naman 'yung tatlo kahit medyo naiilang si Gio sa dalawa. Well, common knowledge na naman na nagkakamabutihan na sina MAJ. Mabuti na lang at medyo at home na si Marvin sa company ni Gio at alam niyang hindi siya puwedeng talunin nito sa panliligaw sa kanyang 'my labs' na si Jolina.
Kung anu-ano ang pose na ginawa ng tatlo na ikinaaliw naman namin. Isinama na rin namin si Biboy Ramirez na kasama rin sa pelikulang 'yon. Kahit naiilang si biboy ay join pa rin siya sa pictorial na ginawa namin. Natutuwa kami sa gesture nila dahil they treat Biboy as their little brother at welcome na welcome ito sa kanila.

JUNE 1998