Our Father... Our Hero!

by: James Tekiko (Teen Movie Magazine 06/25/98)

Sinasabing ang ama ang haligi ng tahanan. Siya ang tagapagbigay ng lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya. Ngunit higit sa pagiging good provider ng isang ama siya rin ang tagapag-disiplina sa mga anak lalo pa't sa kanilang kabataan. Taun0taon ay ipinagdiriwang natin ang Father's Day. Sa ating mga kabataang artista, may halaga pa ba ang pagdiriwang na ito? Ano ba ang masasabi nila sa kani-kanilang mga ama?

Sa puntong ito ay minarapat naming kapanayamin ang inyong mga paboritong artista at hiningan namin sila ng pahayag ukol sa kanilang ama.

MARVIN AGUSTIN

"Masaya ang pamilya namin. Lalo kami ni Daddy dahil magkasundung-magkasundo kami, nag-iisa lang naman akong anak na lalake. Naalala ko pa noong bata pa ako lagi akong inuuwian ng pasalubong ng tatay ko pagkagaling sa opisina. Ang madalas kong hinihingi sa kanya ay ibili niya ako ng apple. Favorite ko kasi ito.

Pero noong nagbibinata na ako ay nagbago ang mga pangyayari. Nagkaroon ng problema ang pamilya. Hanggang sa ako na ang naging padre de familia. Noong una ay medyo nahirapan ako. Pakiramdam ko parang napaaga ang pagma-mature ko. Lahat ng aspeto ng pamilya namin iniintindi ko. Pero wala akong reklamo. Hanggang ngayon masasabi kong mahal na mahal ko ang Daddy ko. Kung anuman ang nangyari sa kanya, marahil that was meant for everybody's goodness. Kaya hangga't kaya ko ay papasanin ko ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ko."

*This article is edited*

JUNE 1998